Sagot :
Answer:Ano ang COVID-19
Ang COVID-19 ay isang bagong uri ng coronavirus na umaapekto sa iyong baga at mga daanan ng hininga.
Ang mga coronavirus ay malaki at iba't ibang pamilya ng mga virus na nagiging sanhi ng mga karamdamang gaya ng karaniwang sipon.
Mga sintomas ng COVID-19
Kabilang sa mga sintomas ang:
bago at lumalalang pag-ubo
lagnat na mga 38°C
pangangapos ng hininga
masakit na lalamunan
pagbahing at tumutulong sipon
pansamantalang pagkawala ng pang-amoy
Ang mga sintomas na ito ay hindi tiyak na nangangahulugang ikaw ay may COVID-19. Ang mga sintomas ay kapareho ng ibang mga karamdaman na mas karaniwan gaya ng sipon at trangkaso.
Ang pangangapos ng hininga ay palatandaan ng posibleng pulmonya at nangangailangan ng kagyat na atensyong-medikal.
Kung ikaw ay may sipon, trangkaso o mga sintomas ng COVID-19, tawagan ang iyong doktor o Healthline sa 0800 611 116 at humingi ng payo tungkol sa pagpapasuri.
Mga sintomas na hindi karaniwan
Ang ilang tao ay maaari ring magkaroon ng hindi karaniwang mga sintomas gaya lang ng:
lagnat
pagtatae
sakit ng ulo
pananakit ng kalamnan
pagkahilo at pagsusuka
pagkalito at pagkamayamutin.
Hindi pa natin alam kung gaano katagal bago lumitaw ang mga sintomas makaraang mahawahan ang isang tao. Ang kasalukuyang mga pagtasa ng World Health Organization ay nagmumungkahi na 2 hanggang 10 araw.
Ang COVID-19 ay ikinakalat ng maliliit na patak (droplets)
Ang COVID-19 ay ikinakalat ng maliliit na patak mula sa isang tao patungo sa iba. Mahahawahan ng virus ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang mga mata, ilong o bibig.
Kapag umuubo, bumabahing, o nagsasalita ang isang taong may impeksyon, siya ay maaaring magkalat ng maliliit na patak na may taglay na virus. Ang maliliit na patak ay napakalaki upang manatili sa hangin nang matagal, kaya mabilis na bumabagsak ang mga ito sa ibabaw ng mga bagay na nakapaligid.
Answer:
ang covid19 ay isang sakit o pandemic na nararanasan natin ngayon dahil ito ay nakakahawang sakit na magdudulot ng lagnat,sipon at pag wawalan ng panlasa hindi natin maiiwasan ang sakit na covid19 kung hindi tayo susunod sa mga protocol dapat tayo mag facemask,mag faceshield at mag sunod sa physical social distancing para ang covid ay hindi mahahawa sa ating katawan
Explanation:
yan lang po i help you:)