Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at salungguhitan ang mga pang-abay. 1. Si Lito ay maagang gumising. 2. Siya ay naligo at nagbihis nang maayos. 3. Mabilis siyang kumain ng kanyang almusal. 4. Nagmamadali siya sa paglakad dahil baka mahuli siya sa klase. 5. Palagi siyang nangunguna sa klase dahil masipag siyang mag- aral. 6. Tuwing tanghalian, sa may puno ng mangga siya kumakain kasama ang kaibigan na si Noel. 7. Masaya silang nagkukuwentuhan habang kumakain. 8. Si Noel ang kasama niya araw-araw. 9. Pag-uwi galing sa eskwela, naging abala si Lito sa pagtulong sa mga gawing bahay. 10. Masigasig din siyang mag-aral gabi-gabi.