👤

banal na pagpapahalaga

Sagot :

Answer:Halimbawa ng banal na pagpapahalaga

Ang banal na pagpapahalaga ay tumutukoy sa espiritwal na buhay natin, ang pananalig at pagmamahal natin sa ating panginoon, ang paggawa ng mabubuti na naayon sa kalooban ng diyos, napakahalaga ng banal na pagpapahalaga sapagkat ito ang pinakamataas na antas na pagpapahalaga na dapat sinusunod natin sa ating buhay, dahil dito nababasi ang paghusga na gagawin ng ating panginoon sa panahon na tayo ay haharap na sa kanya.

Mga halimbawa ng banal na pagpapahalaga

May banal kang pagpapahalaga kung isa  ka sa mga taong nagpapalaganap ng mga salita ng diyos, hindi mo kaylangan na maging isang pari, pastor o ministro upang gawin ito. Sa araw araw na pakikipag usap mo sa mga tao, mag iwan ka ng mga salitang alam mong tataktak sa kanilang puso at isipan na lagi nilang maalala ang diyos, iyon lang ay sapat na.

May banal kang pagpapahalaga kung hindi ka nananamantala ng ibang tao.

Kung hindi ka nagiging madamot, at mapanghusga sa iyong kapuwa ibigsabihin ay mayroon kang banal na pagpapahalaga.

Kung iginagalang mo ang iyong mga magulang at lahat ng nakatatanda sa iyo ay mayroon kang banal na pagpapahalaga.  

May banal kang pagpapahalaga kung laging kang tapat. Sa iyong mga tumgkulin at iniisip mo kung ano ang mas makabubuti sa iyong kapuwa.  

Explanation: