Panuto: Isulat ang T kung tama ang isinasaad ng pangungusap at M kung ito ay mali sa unahan ng bilang
1.Bago ang pagtuklas at pananakop may ugnayan ng nagaganap sa mga Europeo at Asyano. 2.Ang pananakop ng mga Europeo sa Asya ang nagdulot ng maraming pagbabago sa buhay ng mga Asyano. 3.Pinangunahan ng Portugal at Spain ang paghahanap ng mga ruta sa Asya. 4.Sa unang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon sa Asya umiral ang Prinsipiyong ekonomiyang merkantilismo sa Europe. 5. Ang pagsisimula ng paggagalugad ng mga bansang Europeo ang nagtulak ng pagkakataon na kontrolin ang kalakalan sa India. 6. Naging interesado ang mga Kanluranin sa Kanlurang Asya nang madiskubre ang langis nito. 7. Ang istilo ng pamumuhay ng mga Asyano ay iginaya sa mga Kanluranin. 8. Maraming katutubo ang yumakap sa Kristiyanismo. 9.Sa panahon ng kolonyalismo at imperyalismo sumulpot ang mga kolonyal na lungsod. 10. Umunlad ang sistema ng transportasyon at komunikasyon sa panahon ng pagsakop ng mga Kanluranin sa Asya. 11. Nagkaroon ng paghahalo ng lahi ng mga Kanluranin at katutubo upang mapanatili ang katapatan ng kolonya. 12 Sa panahon ng kolonyalismo nagkaroon ng makabagong kaisipan at ideya na magamit sa pagpapatakbo ng pamahalaan, ekonomiya at iba pang aspekto ng buhay. 13. Maraming pagbabago sa pamumuhay ng mga Asyano ang naidulot ng pananakop ng mga Kanluranin. 14. Sa pagdating ng mga Kanluranin ang kalagayan ng mga katutubo ay hiwa-hiwalay na estado na iba-iba ang namununo. 15. Ang mga paniniwala, pilosopiya, at pananampalataya ng mga Asyano ay naimpuwensiyahan ng mga Kanluraning mananakop.