Answer:
1. Kailangan talagang magbayad ng tama para sa huli ay makakapunta tayo sa gusto nating puntahan na walang anumang problemang darating pagkatapos.
2. Kapag gusto nating sumakay, wag tayo sisitsit dahil para sa aso yan at lalong wag tayong kakatok kasi para sa pinto lang yan. Ang dapat o tamang gawin ay sambitin ang salitang "para" po manong. Kung sasakyan man yan na malaki, kahit sign ng para na lang, alam na ng drayber ang ibig sabihin niyan.
3. Umupo ng maayos kasi may iba na kapag nakaupo naka #4 sign eh akala mo pagmamay-ari nya ang lahat ng upuan. Maging pormal sa pag-upo para yung ibang pasahero ay makakaupo din ng maayos.
4. Sino ba namang hindi sasaya pag may pera ka kasi ibig sabihin makakasakay ka papunta sa pupuntahan mo na hindi kailangan mag lalakad kasi nakakapagod yun.
5. Importante talaga ang salitang salamat lalo na pag sasamahan mo ng konting ngiti dahil nakakapagbigay ito ng kasiyahan sa mga tao. At kapag masaya sila sayo, nakikita ka lang nila sa may kanto tiyak makikilala ka agad kasi mabait, masayahin at maggalang ka sa lahat ng tao na nakakasalamuha mo.