👤

Panuto: Ibigay ang iyong reaksiyon o opinyon tungkol sa bawat
pangyayari. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
1. Maraming tao ang nagtipon-tipon sa barangay para sa
ibibigay na ayuda. Hindi na nasunod ang mga paalaala sa
kaligtasang pangkalusugan ng mga dumalo.
2. Regular na nakatatanggap ng modyul si Angelo subalit hindi
niya nagagawa ang mga gawaing nakapaloob dito.
Gawain 2
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon. Isulat sa sagutang papel ang
iyong opinyon tungkol dito.
Sitwasyon 1. Sobra ang taas ng mga bilihin gayundin ang mga
pangunahing pangangailangan tulad ng bigas,
gulay, isda at karne.
Sa aking palagay,​


Sagot :

Reaksiyon at Opinyon

Makikita dito ang nararamdaman at saloobin ng bawat tao. Nalalaman rin ang tunay na niloloob at kaunawaan ang isa tungkol sa paksa at isyu na napapaharap sa kanila. Gayundin, ang reaksiyon at opinyon ay nakabatay lamang sa nakikita at mayroong pansariling kahulugan hinggil sa nangyayari.

Sitwasyon 1

Opinyon: Hindi tama ang nangyaring ito sapagkat hindi na naisip ang kalusugan ng ibang tao na dumalo. Masasabing kailangan dito ang maayos na patakaran at paalala sa mga tao na pupunta hinggil sa mga protocol. Mahalaga na maging palaisip lagi sa kaligtasan ng isa’t isa at hindi dapat pansariling saloobin ang paiiralin.

Reaksyon: Nakakalungkot dahil hindi naging masunurin ang karamihan at nakalimutan na ang pandemiya na kinakaharap.

Sitwasyon 2

Opinyon: Dapat magsikap si Angelo na gawin ang pagsagot sa modyul niya nang sa gayon ay matapos ito agad. Kailangan niya lakipan ito ng pagtitiyaga at hind imaging tamad sa paggawa ng mga ito upang makapagtapos ng pag-aaral.

Reaksyon: Nakakalungkot dahil napapairal parin sa kaniya ang pagiging tamad sa paggawa ng modyul. Hindi dapat ganito ang saloobin ng mga bata, kundi magpokus sa pagsisikap na gawin ang buong makakaya natin alang-alang sa edukasyon.

Sitwasyon 3

Opinyon: Sa hirap ng buhay marami ang kinakapos at hindi nakakabili ng sapat na pagkain para sa kanilang pamilya. At dahil sa pagtaas ng mga bilihin para ang nagdurusa kung saan kailangan dito ang pagkilos ng nasa awtoridad para matulungan ang iba kung paano ang nararapat gawin sa bagay na ito. O kaya mag-isip pa ng ilan sa mga paraan kung paano ito masosolusyonan para sa kapakanan ng ibang tao.

Reaksyon: May halong lungkot ang aking nararamdaman sa sitwasyon na ito. Marami ang walang kakayahan na makabili ng pangunahing pangangailangan dahil sa kakulangan at hindi sapat ang perang mayroon ang isang pamilya.

Tandaan natin:

Kaya sa mga opinyon at reaksyon na nasa itaas ay base lamang sa saloobin ng isang indibiduwal. Iba-iba ang ating kaunawaan tungkol sa mga bagay na ito.

Kung ikaw ay may pagnanais pa na makapagbasa ng higit, puwede ka pang bumsita dito sa mga link na ito na nasa ibaba:

Halimbawa ng mga opinyon at reaksyon tungkol sa mga isyu at pahayag: brainly.ph/question/15561322

Ang kahulugan ng salitang opinyon: brainly.ph/question/303043

#BrainlyEveryday