👤

1. Ayon kay Aristotle, ang elementong ito ng panghihikayat ay tumutukoy sa lohikal na pagmamatuwid
ng manunulat
2. Ayon kay Aristotle, ang elementong ito ng panghihikayat ay tumutukoy sa emosyon ng mambabasa
3. Ayon kay Aristotle, ang elementong ito ng panghihikayat ay tumutukoy sa reputasyon ng manunulat
4. Ito ay isang uri ng propaganda device na nagbibigay ng hindi magandang puna sa isang
produkto
5. Ito ay isang uri ng propaganda device na gumamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa
produkto ang kasikatan nito.
6. Ito ay isang uri ng propaganda device na pinalalabas na ordinaryong tao ang isang sikat na tao.
7. Ito ay isang uri ng propaganda device na hinihikayat ang iba pa na gumamit ng produkto dahil
marami na ang gumagamit nito.
8. Ito ay isang uri ng propaganda device na gumagamit ng magagandang pahayag ukol sa produkto
9. Ito ay isang uri ng propaganda device na gumagamit ng sikat na tao upang direktang i-endorso ang
produkto
10. Ito ay isang uri ng propaganda device na binabanggit lahat ng magagandang katangian ng produkto
at hindi ang masasama.
11. Kung ang tagapagsalita ay may mainam na reputasyon ay mas madali siyang makakumbinse. Ibig
sabihin ay epektibo ang elementong
12. Konsiderasyon ng tagapagkumbinse ang sitwasyon at damdamin ng kanyang tagapakinig upang
mas madali ang panghihikayat. Paraan ito upang mahasa ang elementong
13. Ang maayos na daloy ng mga impormasyon sa pagsasalita sa pangungumbinse ay isang
patunay na isinaalang-alang ng nangungumbinse ang kanyang
14. "Inirerekomenda ng lahat ng mga dentista ang HIMALA TOOTHPASTE kontra pangingilo." Ito ay
halimbawa ng propaganda device na
15. "Mula pagkabata, ito na ang ginagamit kong germicidal soap kaya natitiyak ko ang pagiging
epektibo nito." Ito ay halimbawa ng propaganda device na​