Pag-unawa sa Binasa A. Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang mga sagot sa iyong kuwaderno 1. Ipakilala ang mga pangunahing tauhan sa kuwento sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga katangian batay sa paglalarawan sa kanila. 2. Ano ang dahilan ng hari kaya ipinag-utos niya ang pagpugot sa ulo ng pulubi? Ipaliwanag. 3. Isalaysay ang naging katuwiran ng mga magnanakaw sa kuwento. Ipaliwanag ang bigat ng kanilang mga naging kasalanan. 4. Sino sa kanila ang nabigyan ng katarungan? Bakit?