Sagot :
Answer:
Ang katarungang panlipunan ay nakasalalay sa mga probisyon ng Bill of Rights at sa iba pang bahagi na nakasaad sa ating konstitusyon. Ito ay nagiging pamantayan ng isang indibiduwal kung nilalabag ba ng makapangyarihang tao, grupo o institusyon ang iyong karapatan at dignidad.
Bakit mahalaga ang katarungang Panlipunan?
Napakahalaga ng katarangungang panlipunan sa isang sibilisadong bayan dahil pinoproteksyunan nito ang kanyang mamayan sa anumang tipo ng karahasan o pang hahamak sa buhay at ari-arian ng isang tao. Para maging maunlad ang bayan napakahalaga na galangin ang karapatang ito anuman ang magiging resulta. Ang katarungang panlipunan ay isang proseso na nag uugnay sa estado at indibidwal. Binibigyan ng karapatan ng estado ang bawat isa sa kanyang mamamayan na maging malaya at lasapin ang mga karapatan para mabuhay ang bawat isa ng payapa at masagana.
Explanation: