Sagot :
Answer:
Ang pananakop ng mga Ingles sa India, ang nagbigay-daan upang magising ang diwa ng nasyonalismo dito. May ibat- iba mang wika at relihiyon ang mga Indian ay kumilos at nagkaisa upang umunlad at makabuo ng isang malayang bansa.
29. NASYONALISMO SA INDIA Si Mohandas Gandhi ang nangunang lider nasyonalista sa India, ang nagpakita ng mapayapang paraan sa paghingi ng kalayaan.
30. NASYONALISMO SA INDIA FEMALE INFANTICIDE - pagpatay sa mga batang babae upang hindi maging suliranin at pabigat sa mga magulang pagdating ng panahon na ito’y mag-asawa.
31. NASYONALISMO SA INDIA SUTTEE - ang pagpapatiwakal ng mga byudang babae at pagsama sa libing ng namatay na asawa.
32. NASYONALISMO SA INDIA REBELYONG SEPOY - ito ang pag-aalsa ng mga Sepoy o sundalong Indian sa mga Ingles bilang pagtutol sa pagtatangi ng lahi o racial discrimination.
33. NASYONALISMO SA INDIA AMRITSAR MASSACRE - maraming mamamayang Indian ang namatay sa isang selebrasyon dahil sa pamamaril ng mga sundalong Ingles. Sa kaganapang ito ay namatay ang may 400 katao at mayroong 1200 na mga nasugatan.
34. NASYONALISMO SA INDIA Nagkaroon naman ng hiwalay na pagkilos ang mga Indian dahil sa kanilang magkakaibang pananampalataya. Naitatag ang ALL INDIAN NATIONAL CONGRESS sa panig ng mga Hindu na ang layunin ay matamo ang kalayaan ng India. Naitatag naman ang All Indian Muslim League noong 1906. Pinangunahan ito ni Ali Jinnah na kung saan ang interes ng mga Muslim ang binigyang-pansin. Layunin ng mga kasapi nito na magkaroon ng hiwalay na estado para sa mga Muslim.
35. MOHAMMED ALI JINNAH
36. NASYONALISMO SA INDIA Nanguna si Mohandas Gandhi sa layuning matamo ang kalayaan ng India. Isang Hindu na nakapag-aral. Nakilala siya sa kanyang matahimik at mapayapang paraan o non violence means ng pakikipaglaban para sa kalayaan ng India. Naniniwala siya sa Ahimsa at Satyagraha. Hinimok din ni Gandhi ang pagboykot ng mga Indian sa lahat ng produkto ng mga Ingles at sa lahat ng may kaugnayan sa mga Ingles. Sinimulan rin ni Gandhi ang Civil disobedience o hindi pagsunod sa pamahalaan. Dahil sa pamumuno sa mga protesta naranasan ni Gandhi ang mahuli at maipakulong.
37. NASYONALISMO SA INDIA Nanguna si Mohandas Gandhi sa layuning matamo ang kalayaan ng India. Isang Hindu na nakapag-aral. Nakilala siya sa kanyang matahimik at mapayapang paraan o non violence means ng pakikipaglaban para sa kalayaan ng India. Naniniwala siya sa Ahimsa at Satyagraha. Hinimok din ni Gandhi ang pagboykot ng mga Indian sa lahat ng produkto ng mga Ingles at sa lahat ng may kaugnayan sa mga Ingles. Sinimulan rin ni Gandhi ang Civil disobedience o hindi pagsunod sa pamahalaan. Dahil sa pamumuno sa mga protesta naranasan ni Gandhi ang mahuli at maipakulong.
38. NASYONALISMO SA INDIA Naideklara ang kalayaan ng India noong Agosto 15, 1947, lumaya ito sa kamay ng mga Ingles at pinamunuan ni Jawaharlal Nehru, kaalinsabay nito ang pagsilang ng bansang Pakistan na nabigyan din ng kalayaan sa ilalim naman ng pamumuno ni Mohammed Ali Jinnah.
39. NASYONALISMO SA KANLURANG ASYA
40. NASYONALISMO SA KANLURANG ASYA Ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay hindi katulad ng nasyonalismong naipakita ng mga bansa sa Timog Asya. Hindi agad naipakita ng mga bansa sa Kanlurang Asya ang nasyonalismo dahil karamihan sa mga bansa dito ay hawak ng dating malakas at matatag na imperyong Ottoman, bago pa man masakop ng mga Kanluraning bansa noong 1918.
41. NASYONALISMO SA KANLURANG ASYA Matapos bumagsak ang imperyong OttomanM masakop at mapasailalim sa mga Kanluraning bansa, naipatupad sa mga bansa sa Kanlurang Asya ang sistemang mandato. Nagsumikap ang mga bansa sa Kanlurang Asya na unti-unting makamtan ang kalayaan mula sa Imperyong Ottoman at mga Kanluraning bansa. Ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay pinasimulan ng mga Arabo, Iranians at mga Turko bago pa man ang Unang Digmaang Pandaigdig.
42. NASYONALISMO SA KANLURANG ASYA Ang Kuwait ang isa sa mga bansa na unang lumaya sa Kanlurang Asya noong 1759.
43. NASYONALISMO SA KANLURANG ASYA Natamo naman ng Lebanon ang kanyang kalayaan mula sa imperyong Ottoman noong 1770, at noong 1926 ito ay naging ganap na republika sa ilalim ng mandato ng bansang France
44. NASYONALISMO SA KANLURANG ASYA Isa ang bansang Turkey, na humingi ng kalayaan sa pamumuno ni Mustafa Kemal na nagsulong sa pagkakaroon ng isang republika. Sa pamamagitan ng Kasunduang Lausanne noong 1923 naisilang ang Republika ng Turkey.
45. NASYONALISMO SA KANLURANG ASYA Taong 1926 din ipinahayag ni Abdul ang sarili bilang hari ng Al Hijaz, matapos niyang malipol ang lahat ng teritoryo ay pinangalanan niya itong Saudi Arabia.
46. NASYONALISMO SA KANLURANG ASYA Ang Iraq naman ay naging protektado ng England noong 1932.
47. NASYONALISMO SA KANLURANG ASYA HOLOCAUST - ito ang sistematiko at malawakang pagpatay ng mga Nazi German sa mga Jew o Israelite.
48. NASYONALISMO SA KANLURANG ASYA SISTEMANG MANDATO - nangangahulugan ito na ang isang bansa na naghahanda upang maging isang malaya at nagsasariling bansa ay ipapasailalim m
sana tama haha