Gawain 2 PANUTO: Bigyan ng pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon ang sumusunod na mga pahayag kung nagpapatunay ng para iral ng kondisyong ito sa kabuoan o ilang bahagi ng akda batay sa kaligirang pangkasaysayan nito. Isulat ang S kung sang-ayon ka at ang DS kung hindi ka sang-ayon. 1. Ang akdang Florante at Laura ay isang korido. 2. Naisulat ang akda sa loob ng piitan. 3. Panahon ng Espanyol nang malikha ni Balagtas ang Florante at Laura. 4. Hindi pinayagan ng pamahalaang Espanyol na malimbag ang akda. 5. Itinuturing na isang kuwentong kutsero ang akda. 6. Nagsisilbi itong gabay sa mga Pilipino. 7. Isa sa mga paksa ng obra ay tungkol sa relihiyon. 8. Moro-moro ang tawag sa paglalaban ng mga Moro at Kristiyano. 9. Isa sa mga pinapayagang malimbag ng Comisión Permenente de Censura ay mga akdang ang paksa ay tungkol sa paghihimagsik. 10. Iniaalay ni Balagtas ang obra sa kanyang dating kasintahan na si Maria Asuncion Rivera.