👤

gamitin ang mga sumusunod na pandiwa sa makabuluhang pangungusap. 1. Guminhawa 2. magtatapos 3. hahanap 4. nakakahawa 5. Liliban​

Sagot :

Answer:

1. Guminhawa ang kaniyang pakiramdam nang uminom siya ng gamot.

2. Magtatapos ang mga mag-aaral ngayong taon nang hindi pumapasok sa paaralan.

3. Hahanap ng solusyon ang kapitan ng baranggay upang mapigilan ang paglabas ng bahay ng mga mamamayan.

4. Ang pandemyang COVID-19 ay lubos na nakahahawa.

5. Liliban sa trabaho ang magulang ni Melody upang kuhanin ang kaniyang modyul sa paaralan.