👤

ito ay isang mahalagang phenomen sa kasaysayan ng europe na nagpasimula ng isang panahon ng pag-unlad ng ekonomiya at development​

Sagot :

Answer:

Ang globalisasyon (mula sa Kastila: globalización) ay isang sistemang pandaigdig na naglalarawan sa mga pagbabagong nagbubuklod-buklod sa mga tao, kompanya, at bansa. Tumutukoy ito sa paraang pagdaloy ng impormasyon, produkto, serbisyo at kapital sa pagitan ng pandaigdigang lipunan. Sa ganitong paraan kumakalat at nagiging global ang mga lokal o pambansang mga gawi. Ang globalisasyon ay maaari ring tumukoy sa mga aspekto ng ekonomiya at kalakalan, teknolohiya, politika, at kalinangan o kultura.[1]

Ayon kay George Ritzer, isang akademiko at sosyolohista, ang globalisasyon ay isang proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig.[2] Sa kasalukuyang panahon, mas napapabilis ng teknolohiya at mga ipinapatupad na patakaran ang sistemang ito.

Bagaman maraming mga iskolar ang nagtataya na ang mga pinagmulan ng globalisasyon ay naganap sa modernong panahon, ang iba ay nakabatay sa kasaysayan bago pa man ang Europeong Panahon ng Pagtuklas at paglalakbay sa Bagong Mundo. Ang ilan ay hanggang sa ikatlong milenyo BC.[3] Ang katagang 'globalisasyon' ay unang lumitaw noong unang bahagi ng ika-20 siglo (kasunod na humalili sa naunang terminong Pranses na mondialization). Nabuo ang kasalukuyang kahulugan nito noong ikalawang bahagi ng ika-20 siglo, at naging tanyag na ginamit noong dekada 1990. Ang malakihang epekto ng globalisasyon ay nagsimula noong dekada 1820 hanggang sa huling bahagi ng ika-19 na siglo. Noong unang bahagi ng ika-20 siglo, mabilis na napalawig ang koneksyon ng ekonomiya at kultura sa mundo.

Explanation:

sana maka tulong to guys