👤

l-Isulat kung ang nasalungguhitan na pang-uri ay Isahan, Dalawahan o Maramihan.
Halimbawa: Magkasingbait si Pedro at si Juan.
Sagot: dalawahan
1. Ang dalawang manlalaro ng basketbol ay magsingtangkad.
2. Ang limang turista ay umakyat sa mataas na bundok.
3. Malulusog ang mga alagang hayop ni Mang Berting.
4. Mahapdi pa rin ang sugat ni Henry sa tuhod.
5. Si Juan ay kasingkupad ni Jerry magtrabaho.
6. Ang mga mag-aaral ni Ginang Romero ay magagalang.
7. Kapwa malikhain ang kambal na sina Lauren at Louise.
8. Ang gamot na ininom ni Maricel ay mabisa
9. Hindi sanay sa maginaw na klima ang mga hayop.
10. Maaanghang ang mga ulam dito sa Bikol.
11. Magkasinghusay sina Maria at Michelle sa pagguhit.
12. Ang mga malalagong halaman sa hardin ay inaalagaan ni Lara.
13. Ang mga tanawin sa Pilipinas ay magaganda.
14. Suot ni Pamela ang isang magarang blusa.
15. Magkamukha ang dalawang pusa ni Helen.​


Sagot :

Answer:

1dalawahan

2maramihan

3maramihan

4isahan

5dalawahan

6maramihan

7dalawahan

8isahan

9maramihan

10maramihan

11dalawahan

12maramihan

13maramihan

14isahan

15dalawahan

Explanation:

sana makatulong tong sagot ko