Panuto: Kahunan ang pandiwang nasa aspektong pangnagdaan (ginawa na) sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Nagising ako dahil sa malakas na tahol ng aso. Binuksan ni Brenda ang pinto ng kanilang kuwarto. Ang kuting ay nagtago sa likod ng aparador. Narinig ko ang ingay ng mga sasakyan sa labas. Nagdilig si Kuya ng mga halaman kaninang umaga.