👤

PAGSIKAPAN NATIN
A.
Tukuyin kung ang salitang nakasalungguhit ay isang pang-uri o pang-abay batay sa
gamit nito sa pangungusap. Isulat ang PU kung ito ay pang-uri at PA naman kung ito ay
pang-abay. Isulat ang mga tamang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Masayang tumutulong ang mag-aaral ng Ateneo de Manila sa mga mag-aaral sa
pampublikong paaralan.
2. Si Icah ang pinakamatalinong mag-aaral sa klase.
3. Ang mga mag-aaral ay labis na naaapektuhan sa mga nangyayari sa paligid.
4. Mayaman sa kabutihan ang mga mag-aaral.
5. Nagulo ang tahimik na buhay ni Irene nang dumating ang trahedya.
6. Paluhod siyang nagmakaawa sa kaniyang inagawan ng bag.
7. Napakalinaw ng tubig mula sa bukal kaya tiyak na ligtas itong inumin.
8. Mabusisi si Tiya Pia sa mga aplikante sa kanilang tanggapan.
9. Paisa-isa kung mamili si Mely kaya napagsabihan siya ng kapatid.
10. Mabagal magsulat si Abejeane kaya siya ang laging nahuhuling lumabas ng silid-
aralan.​