4. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa mga bansang maunlad maliban sa isa, alin dito?
A. Mapapaunlad ang likas na yaman sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan B. Masasangkot ang bansa sa mga alitan ng ibang bansa. C. Makakapasok ang kalakal ng Pilipinas sa pandaigdigang pamilihan. D. Uunlad ang ugnayang pangkalakalan ng ating bansa.
5. Dulot sa pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa Amerika nagkaroon ng Kasunduan na lahat ng ari-arian ng Amerika na ginamit sa panahon ng Ikalawang Digmaan ay pag-aari na ng bansa. Anong kasunduan ito?
A. Military Base Agreement B. Treaty of General Relations Hulyo 4, 1946 C. War Surplus Agreement D. Military Assistance Agreement
6. Anong kasunduan ang tinutukoy nito na tiniyak nito ang alalay na tulong ng Amerika sa bansa sa panahon ng digmaan tulad ng kaalaman sa stratehiya, pamamaraan, taktika, at pagsasanay ng Hukbong Sandatahang ng Pilipinas?
A. Military Base Agreement B. Treaty of General Relations Hulyo 4, 1946 C. War Surplus Agreement D. Military Assistance Agreement
7. Ano ang tawag sa isang paraan ng panghihimasok ng malakas at makapangyarihang mga bansa sa pamamagitan ng paggamit ng panggigipit sa ekonomiya,politika, at iba upang makontrol ang bagong- tatag na estado ?
A. colonial mentality C. Pro-American B. neocolonialism D. Pilipino Muna
8. Ang mga sumusunod ay di-mabuting epekto ng Parity Rights maliban sa isa. Ano ito?
A. Paghina ng mga tradisyunal nating industriya B. Pagtatali ng ating pamilihan sa pamilihan ng mga Amerikano C. Lubusang pagkalugi ng mga magsasakang Pilipino sa mga gastusin sa mga sakahan D. Nagkaroon ng bagong kaalaman ukol sa kalakalan ang mga Pilipinong mangangalakal gaya ng paggamit ng mga makinarya at bagong teknolohiya.
9. Ano ang tawag sa kasunduan sa pagkakaroon ng malayang kalakalan sa pagitan ng Amerika at ng Pilipinas sa loob ng walong taon mula 1946 hanggang 1954.?
A. Base -Militar C. Parity Rights Bell Trade Act D. Reahabilitation Act