Sagot :
Answer:
KAHALAGAHAN NG BAKUNA
Ang bakuna o baksinasyon ay ang pagbibigay ng isang sustansiyang nakakapagpalakas sa immune system sa isang tao. Mas bumababa ang tyansa na magkaroon ng impeksiyon ang isang tao dahil sa mas malakas na immune system. Ipinaglalaban nito ang tao laban sa virus at bakteryang nakapagdudulot ng sakit. Ang bakuna ang gumagawa ng tinatawag na "antibodies”sa katawan. Nilalabanan nito ang mga mikrobyong nakakapagdulot ng sakit.
Bakuna at ang matatanda
Maraming nag-aakala na pambata lamang ang bakuna, ngunit kahit tayo ay matanda na, malaki pa rin ang naitutulong nito sa atin. Kahit mga senior citizen ay kailangan at pwede pa ring magpabakuna.
Isa sa pinakamadalas na binibigay na bakuna sa mga may edad na ay ang tinatawag na flu shot. Ang bakuna na ito ay para makaiwas sa sakit na trangkaso. Mas mabuti kung magpabakuna laban sa trangkaso taun-taon, dahil patuloy na nag-iiba at lumalakas ang strain ng virus na nagdadala ng sakit na ito.
Permanente na ba ito?
Maaari pa ring magkasakit ang mga taong nabakunahan na sapagkat hindi buo ang naibibigay na proteksyon nito. Mas makabubuti pa rin ang magkaroon ng prokteksyon laban sa mga sakit na maaaring dumapo sa iyo gaya ng trangkaso o sipon.
Ang bakuna ay kadalasang ginagawa mula sa mikrobyo at birus. Pinahihina muna ang bagsik nito at kinokontrol ang dose at interval bago ito ilalagay sa katawan ng tao.
Mga Sakit na Iniiwasan ng Bakuna
Ang Department of Health ay naglabas ng “Expanded Program of Immunization" kung saan makikita ang listahan ng sakit na kayang maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna. Ang ilan sa mga sakit na nassa listahan ng DOH ay tuberculosis, polio, tetanus, at tigdas. Ang bakuna laban sa tigdas ay kadalasang ibinibigay sa mga batang nasa elementerya pa lamang.