1. Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TAMA. a. Kapag hindi nagtagumpay ang isang tao sa pagtugon sa isang halaga hindi lang ang halaga ang nasisira kundi pati ang taong hindi tumutugon dito. b. Kahit pa napababayaan ng isang tao ang kanyang katawan at kalusugan dahil sa pagtulong sa kapwa nanatili pa ring mabuti ang kanyang gawain c. Ang sino man, bata man o matanda ay may sapat ng kakayahang bumuo ng kanyang sariling pagkatao at magkamit ng mataas na antas ng halaga. d. Lahat ng nabanggit 2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi totoo tungkol sa birtud? a. Ang birtud ay laging nakaugnay sa pag-iisip at kilos ng tao. b. Ang salitang birtud ay galing sa salitang Latin na virtus o vir. c. Ang birtud ay natural lamang na taglay ng lahat ng nilikha ng Diyos. d. Ang gawi ay bunga ng paulit-ulit na pagsasakilos na nakamit dahil sa pagsisikap.