Sagot :
Answer:
KWEBA NG PINAGREALAN
ANG KWEBA NG PINAGREALAN AY UNANG TINAWAG NA KWEBA NG MINUYAN NA MATATAGPUAN SA PAANAN NG BUNDOK NG SIERRA MADRE SAKOP NG BAYAN NG NORZAGARAY. ITO AY GINAWANG KAMPAMENTO NG MGA REBOLUSYONARYONG PILIPINO SA PANGUNGUNA NI HENERAL SINFOROSO DELA CRUZ. ITO AY NAGING PANGUNAHING KUTA AT TANGGULAN NG MGA MANGHIHIMAGSIK NANG TAONG 1896-1897.
SA KWEBANG ITO NANIRAHAN ANG HUKBONG REBOLUSYONARYO NI HENERAL EMILIO AGUINALDO AT HENERAL PIO DEL PILAR. NAGKAROON NG IBAT IBANG LABANAN SA LABAS AT PALIBOT NG KWEBA. SA LOOB NG KWEBA MATATAGPUAN ANG GINAWANG BAHAY NI HENERAL AGUINALDO SA LIKOD NG MARAMING NAKATAYONG HUGIS PINTO AT TUNAY NA MARBOL. SA HARAPAN NAMAN NG KWEBA ITINAYO ANG KWARTEL AT BAHAY PAGAMUTAN KUNG SAAN GINAGAMOT ANG MGA MANGHIHIMAGSIK NA NASUSUGATAN SA LABANAN