PANUTO: Bilugan ang letra ng tamang sagot. 1. Sino ang bumibili ng mga gamit para sa kanyang sariling pangangailangan? A. mamimili C. nagtitinda B. negosyante D.naglalako 2. Alin sa mga ito ang dapat gawin para sa matalinong paggasta ng pera? A. pagsesepilyo C. pagpaplano ng badyet B. pamimili D. pangongolekta 3. Tumutukoy ito sa damdamin ng mga mamimili, ang kanilang kasiyahan sa pagbili at pagtanggap ng serbisyo. A. ekonomiya C. pangkapaligiran B. pansarili D. pangkaisipan 4. Ano ang gagawin mo kung malaman mon a sira pala ang bag na nabili mo? A. Itapon ang produkto. B. Mahinahong humingi ng kapalit sa binilhang tindahan. C. Magalit at kausapin ang tindera. D. Gumawa ng mga bagay upang mahikayat ang mga mamimili na huwag bumili sa tindahan. 5. Sino sa mga ito ang matalinong mamimili? A. Si Salve ay sumasangguni sa kanyang ina bago bumili ng isang bagay. B. Si Minerva ay bumibili ng mga bagay ng hindi naman niya kailangan. C. Si Emong ay walang pakialam sa presyo/halaga ng mga laruang binibili niya. D. Tinatanong muna ni Zaldy ang presyo ng t-shirt bago niya ito bilhin.