👤

ano ang teskong impormatibo?​

Sagot :

Answer:

Tinatawag na tekstong impormatib ang mga babasahin at akdang nagbibigay ng impormasyon, kaalaman, at paliwanag tungkol sa isang tao, bagay, lugar, hayop, o pangyayari. Karaniwang sinasagot nito ang tanong na ‘ano,’ ‘sino,’ at kung minsan ay ‘paano.’ Pawang impormasyon at katotohanan lamang ang taglay ng tekstong impormatibo at hindi naglalaman ng anumang opinyon o saloobin.

Karaniwang makikita o mababasa ang mga tekstong impormatibo sa mga babasahing tulad ng teksbuk o batayang aklat, magasin, pahina ng balita sa mga pahayagan, encyclopedia, almanac, maging mga sanaysay.

Kapag nakababasa ng isang tekstong impormatibo, mayroon laging nadaragdag na kaalaman sa isang mambabasa.

Explanation:

Source: https://takdangaralin.ph/tekstong-impormatibo/