👤

pagkakaiba at pagkakatulad ng mga uri ng teksto​

Sagot :

Tekstong ImpormatiboIto ay isang uri ng tekstong madalas ipabuo o ipasulat ng inyong mga guro sa iba’t ibang asignatura kaya mahalagang mautuhan mo ang mga katangian nito at maging mahusay sa pagbuo ng ganitong uri ng teksto. Ang tekstong impormatibo ay di piksiyon at naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag batay sa katotohanan at ng mga datos

Tekstong DeskriptiboBinibigyang diin sa araing ito ang kahalagahan ng paggamait ng angkop na paglalarawan o deskripsiyon upang higit na kalugdang basahin ang isang teksto. Layunin ng araling ito na makasulat ka ng sarili mong halimbawa ng tekstong deskriptibo

Tekstong NaratiboTutuklasin sa araling ito kung bakit maituturing na popular na uri ng tekstong tinatangkilik sa buong mundo ang tekstong naratibo at kung paano ito magagamit upang magparating ng mahalagang mensahe sa mambabasa

Tekstong ProsidyuralMatutunghayan sa araling ito ang kahalagahan ng pag-unawa at pagsulat ng tekstong prosidyural. Hindi maikakailang ang mga tekstong ito ay makikita sa mga pampubliko at pribaong lugar, sa mga gamot, pagkain o iba pang bagay. Iyan ang dahilan kung bakit kinakailangang malinang ang kakayahang umunawa at sumulat ng tekstong prosidyural.

Tekstong PersuweysibLayunin ng araling ito ang malinang ang kakayahan ng mag-aaral na magbasa, sumuri at magsulat ng sariling tekstong persuweysib.Sa araling ito ay tatalakayin ang tekstong persuweysib na naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa.

Tekstong ArgumentatiboIpinakikita ng araling ito ang kahalagahang matutuhang umunawa, sumuri, at sumulat ng isang tekstong argumentatibo. Maghahambing din ag pagkakatulad at pagkakaiba ng tekstong persuweysib at tekstong argumentatibo. Binibigyang diin ang katangian ng tekstong argumentatibo na kumukumbinsi sa mambabasa nang hindi lamang nakabatay saopinyon o damdamin ng manunulat, kundi batay sa datos o impormasyong isinaliksik o inilatag ng manunulat.