Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap, at MALI naman kung hindi wasto. 1. Ang contractionary monetary policy ay ipinapatupad ng pamahalaan kung ang bansa ay nakararanas ng overheated economy o sobrang kasiglahan ng ekonomiya. 2. Kapag may implasyon, dapat gamitin ng pamahalaan ang expansionary money policy 3. Kapag ang mababang antas ng ekonomiya ay nagtuloy-tuloy nang higit sa dalawang quarter (anim na buwan), ito ay maituturing nang recession. 4. Ang Bangko Sentral ng Pilipinas ang nangangasiwa sa pagkontrol ng money supply ng bansa. 5. Kapag ang ekonomiya ay nasa estado ng recession, dapat gamitin ng pamahalaan ang contractionary monetary policy.