👤

Nagbigay ng 7 Salita na kahulugan ng pagsusulat

Sagot :

Answer:

1. Ang pagsulat ay isang anyo ng komunikasyon kung saan ang kaalaman o ideya ng tao ay isinasalin sa pamamagitan ng mga titik at simbolo. Ito ay      nagbibigay-daan para maihayag ng mga tao ang kanilang mga opinyon at saloobin sa pamamagitan ng tekstuwal na pamamaraan.

2. Ang pagsulat ay isang mental at pisikal na aktibidad na isinasakatuparan para sa iba’t-ibang layunin at tunguhin. Ito ay mental na aktibidad sapagkat pinapairal dito ang kakayahan nang isang tao na mailabas ang kanyang kaalaman at ideya sa pamamagitan ng pagsasatitik sa mga ito. Ito naman ay matuturing na pisikal na aktibidad sapagkat ginagamitan ito ng paggalaw ng kamay.

3. Ang pagsulat ay isa ring mental na gawainsapagkat ito ay isang ehersisyo ng pagsasatitik ng mga ideya ayon sa isang tiyak na metodo ng pag-unlad at pattern ng organisasyon at sa isang istilo ng grammar na naayon sa mga tuntunin ng wikang ginamit.

4. Isang paraan ng pagpapahayag ng mag saloobin, damdamin at kaalaman ang pagsulat katulad ng pagsasalita.

5. Ang salitang pagsulat ay galing sa salitang ugat na sulat. Maaring ito tumutukoy sa gawain ng paggamit ng panulat, papel  at mga sagisag. Maari ding tumutukoy  ito sa proseso ng pagsasama-sama ng ideya upang makabuo ng kwento, sanaysay at iba pang akda.

Explanation:

#carry on learning