👤

dapat kapag kalamidad


Sagot :

Answer:

maging mahanda at maingat

Answer:

Hindi natin alam kung kailan magkakaroon ng kalamidad. Malaki ang nagagawa ng pagiging handa sa araw-araw upang masiguro ang mahinahon at siguradong pagkilos sa oras na dumating ang isang kalamidad.

Dapat Gawin Habang may Kalamidad:

  • Para makaligtas kapag may kalamidad, maaari mong sundin ang mga sumusunod na mungkahi habang may kalamidad:
  • Kapag may bagyo. pumunta agad sa lugar na maaaring pagtaguan o manatili sa loob ng bahay.
  • Kapag may baha mkabubuting lumabas sa mga gusaling pinasok ng tubig o manatili sa mataas na lugar.  Huwag lumusong o magmaneho patawid sa baha dahil sa panganin na maaksidente.  
  • Sumunod sa tagubilin ng awtoridad kung lilikas o manatili na lang sa tahanan habang may kalamidad.
  • Manatiling nakasubaybay sa balita habang may kalamidad.

Mga halimbawa ng kalamidad:

Bagyo

-Taon-taon, may ilang bagyo ang pumapasok sa Pilipinas. Ito’y dahil ang ating bansa dahil sa heograpikal na lokasyon nito.

Baha  -Ilan lamang sa mga dahilan ng pagbabaha ay ang malakas na ulan na dala ng mga bagyo. Ngunit, may mga baha rin minsan na nagaganap dahil sa pag-taas ng lebel ng tubig sa mga dam. Bukod dito, ang pagkasira ng mga puno at illegal na pagmimina ay nagpapalala rin ng baha.

Flashflood-Ito ay isang biglaang pagbaha sa mababang lugar, maaring ang tubig ay mula sa mataas na lugar gaya n g mga bundok o talampas

Landslide-Ito ay isang pagguho ng lupa mula sa isang matarik na bundok, maaring dahilan ng paglambot ng lupa dahil sa ulan o maaring dulot ng pagyanig ng lupa.

Lindol

-Ito ay natural na kalamidad na nangyayari dahil sa mga fault line o pagputok ng mga aktibong bulkan. Ito’y maaaring mag dulot ng tsunami o stormsurge kapag ang lindol ay nasa dagat.

Tsunami-Ito ay isang biglaang pagtaas ng lebel  ng tubig sa dagat, maaring tumaas lampas niyog depende sa lakas ng pagyanig ng lupa na nasa ilalalim ng karagatan.

Stormsurge-Mas kilala ito sa tawag na “daluyong”, isa rin itong pagtaas ng lebel  ng tubig sa dagat. Posibleng lampas tatlong palapag ng bahay ang abot ng tubig.

Pagputok ng Bulkan

-Ang Pilipinas ay tahan ng ilang aktibong bulkan. Kapag pumutok ito, lalabas ang lahar at maitim na usok na tinatawag na ashe clouds na masama para sa mga tao.

El Niño

-Isang mahabang panahon (maaring ilang buwan)  na nakakaranas ng malakas at mataas ang temperatura.

La Niña

-Isang mahabang panahon (maaring ilang buwan) ng pag-ulan sa isang lugar.

Explanation: