Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin at
bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Ito ay isang pag-aaral kung natutugunan ba ng mga mamamayan ang kanilang pangangailangan.
a. Daloy ng Ekonomiya
b. Pambansang c. Paikot na Daloy ng Ekonomiya d. Daloy ng Pambansang Kita
2. Ang pag-aaral kung paano tutugunan ang mga kagustuhan at
pangangailangan ng tao sa pinakamahusay na paraan.
a. Ekonomiks
b. Maykroekonomiks c. Makroekonomiks d. Pambansang Ekonomiya
3. I. Ang maykroekonomiks ay ang pagsusuri sa maliit na yunit ng ekonomiya.
II. Ang makroekonomiks ay nakasentro sa komposisyon at galaw ng
pambansang kita.
a. Tama, Tama c. Tama, Mali
b. Mali, Tama d. Mali, Mali
4. Sa paraang ito makikita ang ugnayan ng iba’t ibang bahagi ng ekonomiya
kabilang ang sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan, pamilihang
pinansyal, at panlabas na sektor.
a. Daloy ng Ekonomiya c. Paikot na Daloy ng Ekonomiya
b. Pambansang Ekonomiya d. Daloy ng Pambansang Kita
5. Sa paikot na daloy ng ekonomiya, papaano nagkaugnay ang sambahayan
at bahay-kalakal?
a. Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na
sumasailalim ng pagpoproseso ng bahay-kalakal.
b. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital
sa mga bahay-kalakal.
c. Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang
makabuo ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal.
d. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon
ng karagdagang trabaho para sa mga bahay-kalakal.
6. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga aktor sa paikot na daloy ng ekonomiya?
a. Sambahayan c. Pamahalaan
b. Bahay-kalakal d. Wala sa mga nabanggit.
7. Ang tagapaglikha ng pampublikong paglilingkod para sa sambahayan at
bahay-kalakal mula sa buwis na nakolekta nito.
a. Pamilihang Pinansyal c. Bahay-Kalakal
b. Pamahalaan d. Sambahayan
8. Ang tanging may kakayahan na lumikha ng kalakal at paglilingkud.
a. Sambahayan B. Pamahalaan c. Bahay-Kalakal
d. Panlabas na Sektor
9. Ang nakikipag-uganyan sa bahay-kalakal at sambahayan sa pamamagitan
ng pagluluwas (export) at pag-aangkat (import) ng produkto.
a. Pamilihang panlabas
b. Pamilihang Pinansiyal c. Bahay-kalakal d. Sambahayan
10.Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pamilihang pinansyal?
a. Pawnshop c. Palengke
b. Kooperatiba d. Stock Market
11.Ang mga sumusunod ay mga uri ng pamilihan sa paikot na daloy ng
ekonomiya maliban sa
a. Pamilihan ng ma Salik ng Produksyon b. Pamilihan ng mga Tapos na Produkto
c. Pamilihang Pampinansyal
d. Wala sa nabanggit.
12.Dito natutugunan ng bawat bansa ang kani-kanilang pangangailangan sa
pamamagitan ng pakikipagkalakalan sa ibang bansa.
a. Pamilihan ng Salik sa Produksiyon
b. Pamilihang Pinansiyal
c. Pamilihang ng mga Tapos na Produkto
d. Pamilihang Panlabas
13.Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
a. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
b. Kita at gastusin ng pamahalaan
c. Kalakalan sa loob at labas ng bansa
d. Transaksiyon ng mga institusyong pampinansyal
14.Kung ang kabuuang kita ni Grace ay Php20,000 at ang kanya namang
kabuuang gastusin ay Php15,000, magkano ang maari niyang ilaan para sa
pag-iimpok?
a. Php 3,000 c. Php 2,000
b. Php 5,000 d. Php 6,000
15.Ano ang maaaring gawin ng isang mag-aaral na tulad mo upang
makatulong sa pamahalaan sa wastong pangongolekta ng buwis?
a. Isuplong sa kinauukulan ang mga negosyanteng hindi tamang
nagbabayad ng buwis.
b. Humingi ng resibo kung mamimili ng malaking tindahan tulad ng
department store.
c. Paalalahanan ang mga magulang at iba pang kakilala hinggil sa
wastong pagbayad ng buwis.
d. Suportahan ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga tax