Sagot :
Answer:
Ang katangian ng sining ng Renaissance ay maihahalintulad sa sining ng klasikal ng mga Roman at Greek kung saan binigyang-halaga ang pagiging kakaiba ng mukha at pigura ng tao. Tiningnan din ang kagandahan ng kalikasan dahil sa pagiging balance nito. Ang paggamit ng mga bagong material gaya ng ng mga oil-based paint ay katangian din ng panahong ito. Katangian din nito ang paggamit ng tinatawag na perspektiba o impresyon ng lalim at layo sa flat o surface ng painting upang makalikha ng ng realism. Tumutukoy ang realism sa paglalarawan ng mga bagay o tao batay sa tunay na anyo nito.