👤

1. Sa iyong palagay, bakit mahalagang pag-aralan natin ang kasaysayan ng Asya?​

Sagot :

Answer:

para mas mapalawak ang ating kaalaman lalong lalo na sa kaysayan at matuklasan ang ibat ibang kultura ng ating bansa

Answer:

KAHALAGAHAN NG KASAYSAYAN NG ASYA

Ang pagaaral ng kasaysayan ng Asya ay pagbalik tanaw sa ating nakaraan, pagtuklas sa ating pinanggalingan at pagiging maalam sa ating makulay na tradisyon at kultura.  Mahalaga ito sa pagbuo hindi lamang ng isang bansa, kundi mahalaga din ito sa pag-buo ng ating pagkatao.  Sa pagtuklas natin ng ating nakaraan ay malalaman natin ang ating pinanggalingan mas lalo nating mauunawaan ang ating pagka Pilipino. Magkakaroon tayo ng malalim na pagmamahal sa ating bansa na mag bubunga upang tayo ay maging isang mabuting mamayan ng bansang Pilipinas.

Eto pa ang karagdagang dahilan at kung bakit mahalaga ang pagbalik-tanaw sa kasaysayan ng Asya:

1. Pinupukaw nito ang ating damdaming makabayan at makatao.  

2. Nagbibigay ito ng mahalagang aral sa atin.

3. Mauunawaan nating ang mga suliranin at solusyon sa nakaraan, kasalukuyan at hinaharap.

4. Malalaman din nating ang pinagmulang ng istraktura ng lipunan, pamahalaan at pag-usbong ng kultura.

5. Sa pag aaral ng bawat isa ng kasaysayan at mapapansin natin ang mga pagbabago na humubog at umukit sa katauhan at kalagayan ng mga tao at ng mga bayang kanilang kinalalagyan.

Sangay ng Kasaysayan

  • Arkeolohiya (Archeology)

ay ang pag-aaral sa mga kailangán ng tao sa pamamagitan ng pagbawi, pagdukumento at pagsusuri ng mga materyal na labi, kabilang ang arkitektura, mga artifact, mga biofact, labi ng mga tao, at mga tanawin.

  • Antropolohiya (Anthropology)

ay ang pag-aaral sa lahi ng tao.

  • Paleontolohiya (Paleontology)

ay ang "pag-aaral ng sinaunang buhay".

  • Heograpiya (Geography)

ay isang larangan ng agham na pinag-aaralan ang mga lupain, katangian, naninirahan, at hindi karaniwang bagay sa Daigdig.