Panuto: Suriin ang mga pahayag kung wasto o hindi. Iguhit ang kung Oo at kung Hindi sa unahan ng bawat numero. 1. Sa panahon ng Renaissance, mga kalalakihan lamang ang maaring mag-aral. 2. Nagdulot na malaking pagbabago sa lahat ng larangan ang Renaissance 3. Ang Renaissance ay nangangahulugan ng muling pagbagsak o dark age. 4. Sa Greece nagsimulang sumilang ang Renaissance hanggang lumaganap sa Italy 5. Ang Humanismo ay kilusang intelektuwal noong Renaissance na nanguna sa pagsusulong ng pag-unlad at pagpapayaman ng klasikal na sibilisasyong Greko- Romano. 6. Ang mga kontribusyon ng Renaissance ay patuloy nating nagagamit at napagyayaman hanggang sa kasalukuyan. 7. Nagdulot ng kaguluhan sa Europe at sa buong daigdig ang pagsilang ng Renaissance. 8. Dahil sa Renaissance, naganap ang Rebolusyong Pangkaisipan/ Intelektuwal na nagbunsod sa mas malawak pang pagbabago sa buong daigdig tulad ng Rebolusyong Industriyal at Rebolusyong Siyentipiko.