D. Ang kultura ay nakaaapekto sa mga kaugalian ng mga bata, sabi ng dalubhasa sa pag uugali Pauli Antoine Porquez Genuino, pangulo ng mga kumpanya sa pagsasanay. Kaya mahalaga na isaalang-alang ang mga karaniwang gawain na karaniwang nakikibahagi sa mga pamilyang Pilipino. Tukuyin ang inilalarawan sa bawat pahayag. Piliin ang sagot sa mga salitang nasa kahon. malasakit Pinoy hospitality Tao pol paggalang mapagbigay Pagmamano 1. Ito ay isang magandang tradisyon ng Pilipino na paraan ng pagbati sa matatanda kung saan malumanay na kinukuha ang kamay ng nakatatanda at hinahalikan ito o inilalagay ito noo ng isang tao 2. Bukod sa karaniwang kasanayan ng pagtuktok sa mga saradong pintuan at paghihintay ng tugon bago pumasok, karaniwang sinasabi ito ng mga Pilipino tuwing bumibisita sa bahay ng isang tao. 3. Karaniwan sa mga Pinoy na anyayahan ang iba na sumali sa kanila para kumain sa pamamagitan ng pag-alok sa mga panauhin ng makakain o malinom sa sandaling dumating sila 4. Isang natatanging kaugalian ng Pilipino ang kusang-loob na pagtulong. Halimbawa: kung may nahulog na gamit ang isang tao at alam mong marami siyang dala, pinupulot mo ito o tinutulungan mo siyang ayusin ang gamit nya. 5. Bukod sa paggamit ng "po" at "opo" at sa pagsasanay pagmamano, dapat ding alalahanin ng mga bata na magbigay daan sa mga matatanda, lalo na sa publiko.