👤

2. Kilala sa bansag na Hermano Pule​

Sagot :

Apolinario Dela Cruz na kilala bilang "Hermano Pule"

Apolinario de la Cruz

- Si Apolinario de le Cruz o mas kilala sa tawag na "Hermano Pule" ay isang pilipinong nangarap bilang pari sa edad na 15, na isinilang noong ika-22 ng Hunyo 1814 sa Lucban, Tayabas (Sa kasalukuyan ay lalawigan ng quezon).

- Itinatag niya ang Cofradia de San Jose, ito ay isang samahan na binubuo lamang ng mga indio na mga debotong katoliko, sa samahang ito ang katolisismo ay tinuturo ni Hermano Pule ( sa wikang ingles "Brother Pule") batay sa kaniyang sariling pagkakaunawa, ang samahan na ito ay para lamang sa mga pilipino at kinakailangan pa ng pahintulot kay Hermano Pule upang sumali ang isang mestizo o kastila.

- Noong unti-unting rumarami na ang samahan ng Cofradia de San Jose binatikos ito ng mga paring kastila, kung kaya't naghinala na ang Gobernador-heneral ng panahon na iyon na si Marcelino Oraa na ang samahan ay itinatag upang maghimagsik laban sa pamahalaan.

- Hanggang sa huling hininga ni Hermano Pule ipinalaban niya ang pagkakaroon ng pagkapantay-pantay sa kaparian ng mga indio at kastila at ang kalayaan patungkol sa pananampalataya.

- Si Hermano Pule ay nadakip at at agad na binitay sa bayan ng tayabas noong ika-4 ng Nobyembre 1841. Ang kaniyang katawan ay walang awang pinaghiwahiwalay at itinanghal din ang kaniyang ulo sa daan patungo sa majay-jay. Ang pangyayaring ito ay nagsilbing babala ng pamahalaan ng kastila sa mga mamamayan na huwag siyang tularan.

#BrainliestBunch