👤

ilahad ang pagkakaiba ng pang abay sa pang uri​

Sagot :

Pang-uri

  • Mga salitang naglalarawan sa sa tao, bagay, hayop o pook. Ang pang-uri ay maaari ring maglarawan sa hugis, sukat at kulay pangngalan.
  • Ang pang-uri ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang pangngalan, karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito. Gayon man, hindi kinikilalang uri ng salita sa pangkalahatan ang pang-uri; sa ibang salita, may mga ilang wika ang hindi gumagamit ng mga pang-uri.
  • Ang pang-uri ay nagbibigay ng turing sa isang pangngalan o panghalip.Ang mga pinakakinikilalang mga pang-uri ay iyong mga salita katulad ng malaki, matanda at nakakapagod na sinasalarawan ang mga tao, mga lugar, o mga bagay.

Pang-abay

  • Ito ang salita na nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, o isa pang pang-abay na bumubuo ng parirala.