👤

Magbigay ng halimbawa sa impluwensiya ng emosyon sa pagpapasya​

Sagot :

Answer:

Ang emosyon ay nagbibigay palatandaan sa ibang tao ng tunay na nararamdaman nito. Sa emosyon ng tao nakikita kung ano ba ang tunay at totoo niyang nararamdaman kung saan inilalabas ang buong damdamin batay sa isinasaad na sitwasyon.

Ang emosyon ay ang reaksyon ng ating katawan sa isang sitwasyon, maraming emosyon ang maaring maramdaman ng isang tao na nakadepende sa mga pangyayari sa kanyang buhay.

Marami ang halimbawa ng emosyon na maaring maramdaman ng isang tao, kung ang isang tao ay nasa sitwasyon ng pagpapasiya o pagdedesisyon, maaring may maging epekto ang kanyang nararamdaman ukol sa sitwasyon na kanyang hinaharap. Kung siya ay nakakaramdam ng saya at galak sa mga sitwasyon na iyon maaring maging maganda ang bunga ng kaniyang pasya sapagkat mapagiisipan niya ng maayos ang kanyang magiging pasya. Ngunit kung sa pagkakataong iyon siya ay nakakaramadam ng sobrang kalungkutan o galit maaring humantong sa hindi maganda ang kanyang pasya dahil mas mangingibabaw sa kanya ay ang kanyang nararamdaman, maaring magkaroon siya ng kalituhan at hindi mapagisipan ng maayos ang gagawing pasya o desisyon.

Kaya kung ang isang tao ay nasa sitwasyon ng pagpapasiya, mas mabuting maayos ang nararamdaman mo dapat positibong emosyon upang maging malinaw ang ating kaisipan sa magiging resulta ng pasya. Kailangang pag-isipan muna ng maraming beses at hindi padalos-dalos sa pagpapasiya upang maging tama at angkop ang pasya at walang pagsisihan sa huli. Kaya malaki ang magiging epekto ng emosyon o nararamdaman sa ating pagpapasiya.

Ang mabuting pagpapasiya o pagdedesisyon ang dahilan kung bakit ang tao ay nakagagawa ng tama at naayon. Ito ay bunga ng mabuting malalim, kritikal at pagkamalikhaing pag-iisip sa mga bagay bagay na nararapat na humantong sa paggawa ng mabuti at tama.

Mga Halimbawa ng Emosyon  

Saya

Galit o Poot  

Tuwa  

Takot  

Kilig  

Lungkot  

Tapang  

Kaba  

Gulat

Para sa karagdagan pang kaalaman magtungo sa mga link na:  

Kahulugan ng Emosyon: brainly.ph/question/979850

Mabuting Pagpapasiya: brainly.ph/question/1289842

Explanation: