Sagot :
Answer:
Si William Shakespeare (26 Abril 1564 (bininyagan) – 23 Abril 1616) ay isang makatang Ingles, mandudula, at aktor, at malawakang kinikilala bílang pinakamahusay na manunulat ng wikang Ingles at preeminenteng dramaturgo ng mundo. Madalas siyang tinatawag na “pambansang makata ng Inglatera”, at tinaguriang "Bardo ng Avon". Ang mga akdang ekstante niya ay kiabibilangan ng mga kolaborasyon, na may mga 38 na dula, 154 na soneta, 2 mahabang tulang salaysay, at iba pang mga berso, na ang iba ay hindi sigurado kung kanino. Ang mga dula niya ay naisalin na sa lahat ng pangunahing buhay na wika at mas tinatanghal ang mga ito kompara sa iba pang mga mandudula.[1
Explanation:
hope this help you po :)