Sagot :
Answer:
“Lumalakad na ang ikatlong linggo ng pasukan nang matandaan kong ang mukhang iyon na may kaitiman sa karaniwan, may sarat na ilong, may bibig na makipot nguni’t may makapal na labi at may maaamong mata ay isang batang lalaking may walong taong gulang lamang…”
Explanation:
Sa ating bansa, libre ang edukasyon sa mga pampublikong paaralan. Binibigyan ng pagkakataon ang bawat kabataan sa ating pamayanan na makapag-aral at linangin ang kanilang kaalaman. Sa lumalaking populasyon natin, dumarami ang mga batang nangangailangang pumasok sa paaralan. Ngunit, wala sa proporsyon ang bilang ng mga estudyante sa bilang ng mga pampublikong paaralan at mga gurong nagtuturo dito. Sa kakulangan ng mga titser, naaapektuhan ang kalidad ng edukasyon na naibibigay sa mga estudyante. Sa kuwento ni Matute, animnapung bata ang tinuturuan ni Bb. de la Rosa. Ito ay isang malaking bilang kung iisipin. Sa isang maliit na silid-aralan ay halos doble ng normal na kapasidad ang ipinagsisiksikan sa isang kuwarto. Idagdag pa dito ang morning at afternoon classes sa iilang unang taon ng mababang paaralan. Ito ay isang katotohanang hindi natin maitatanggi.