Hahatin ang klase sa apat na pangkat. Isadula ang sumusunod na sitwasyon Harawan sa pagsasadula kung paano makapagpapakita ng pagkamalikhain ang tauhan Maraming natirang piraso ng kahoy sa ginawang mesa ng iyong ama. Habang tumutulong ka sa pagliligpit, bigla mong naisip na malapit na ang kaarawan ng bunso mong kapatid at ito ay mahilig maglaro ng laruang kotse Naisip mo siyang bigyan ng regalo. Ano ang gagawin mo? 2. Malimit mong naririnig ang mga papuri ng iyong mga kaibigan sa tuwing naririnig ka nilang kumakanta ng makabagong awitin. Ngunit sa sarili mo alam mo na hindi ka pa gaanong bihasa sa pagkanta. Ano ang puwede mong gawin upang mapabu pa ang iyong talento sa pagkanta? 3. Mahilig kang magsulat ng kuwento bilang libangan tuwing wala kang ibang ginagawa Nais mong maging isang mahusay na manunulat pagdating ng panahon. Inianunsiyo sa inyong klase na naghahanap ng mga manunulat na maaaring magbahagi ng kanilang artikulo para sa pahayagan ng paaralan. Paano mo maipakikita na karapat-dapat ka sa posisyon? Tindera sa palengke ang iyong mga magulang kaya't madaling araw pa lang ay nagpupunta na sila sa palengke at naiiwan ka upang bantayan ang nakababata mong kapatid. Dahil sa tanghali pa ang pasok mo sa paaralan, halos wala kang ginagawa tuwing umaga. Gustong-gusto mong pakinabanggan ang libre mong oras sa umaga. Paano mo ito maisasagawa?