Sagot :
Answer:
Ito ay isang uri ng palaisipan o logic na ang sagot ay:
Plantsa
Palaisipan o Logic
Ang palaisipan o logic ay kilala rin bilang bugtong, pahulaan, o patuturan, ito ay isang tanong o pangungusap na may iba o nakatagong kahulugan na kailangang lutasin o hulaan.
Mga Halimbawa ng Palaisipan o Logic
1. Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna
Sagot: Niyog
2. Kung tawagin nila ay “Santo” pero hindi naman ito milagroso
Sagot: Santol
3. Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa
Sagot: Kalabasa
4. Maliit na bahay, puno ng mga patay
Sagot: Posporo
5. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari
Sagot: Zipper
6. Tubig na nagiging bato, batong nagiging tubig
Sagot: Asin
7. Naligo si Kaka, ngunit hindi man lang nabasa
Sagot: Dahon ng Gabi
8. Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin
Sagot: Sombrero
9. May balbas ngunit walang mukha
Sagot: Mais
10. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan
Sagot: Kamiseta
11. Noong maliit ay Amerikano, noong lumaki ay Negro
Sagot: Duhat
12. Isang hukbo ng sundalo, dikit-dikit ang mga ulo
Sagot: Walis
13. Nang ihulog ko ay ay buto, nang hanguin ko ay trumpo
Sagot: Singkamas
14. Nakayuko ang reyna, hindi nalaglag ang korona
Sagot: Bayabas
11. Nakayuko ang reyna, hindi nalaglag ang korona
Sagot: Bayabas
12. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
Sagot: Paruparo
13. Buto’t balat lumilipad.
Sagot: Saranggola
14. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.
Sagot: Langka
15. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
Sagot: Sandok
16. Eto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik.
Sagot: Mga paa
17. Isda ko sa maribeles nasa loob ang kaliskis
Sagot: Sili
18. May isang prinsesa nakaupo sa tasa.
Sagot: Kasoy
19. Matanda na ang nuno di pa naliligo
Sagot: Pusa
20. Ano ang nakikita mo sa gitna ng Dagat?
Sagot: G
21. Bakit binubuksan ang bintana tuwing umaga?
Sagot: Kasi nakasara,bakit bubuksan mo pa ba kung bukas na.
22. Anong isda ang lumalaki pa?
Sagot: Yung bata pa.
23. Ano ang tinapay na hindi kinakain ang gitna?
Sagot: Donut na may butas sa gitna
24. Hindi hayop, hindi rin tao ngunit tinatawag niya ako .
Sagot: Telepono/Cellphone
25. Dalawang kuwebang naglalabas ng tubig pagkaraan nama’y agad binabalik
Sagot: Ilong (sipon sa ilong ang tinutukoy na tubig)
26. Dala-dala ko siya, ngunit ako rin ay dala niya
Sagot: Tsinelas/Sapatos
27. Anong meron sa jeep, tricycle, at bus, pero wala sa eroplano?
Sagot: Side Mirror
28. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
Sagot: Baril
29. Maliit na bahay, puno ng mga patay.
Sagot: Posporo
30. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
Sagot: Sandok
Explanation:
#hopeithelps