👤



GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 4: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik
iyong sagot sa puwang bago ang bilang
D. Maikling Kuwento
1. Si Cinua Achebe ay kinikilala bilang
A. Ama ng Panitikang Africa
C. Manunulat ng mga kilalang nobela
B. Ama ng Maikling kuwento ng Nigeria
D. Pangulo ng Nigeria
2 Isang mahabang pampanitkan na naglalahad ng mga pangyayaring naghahabi sa isang mahusay
na pagbabalangkas. Nag-iiwan ng kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
A. Dula
B. Karilyo
C. Nobela
3. Ang akdang Paglisan ay isang nobelang nanggaling sa bansang
A Africa
B. Nigeria
C. Mali
D. Persia
4 Yaris at shell na ginagamit bilang palamuti ng mga Africano. Ginagamit ding ritwal sa paniniwalang
panrelihiyon
A Cowrie
B. Ekwe
C. Igbo
D. Ogene
5. Elemento ng nobela na nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa takbo ng kuwento
A Banghay
B. Damdamin
C. Tauhan
D. Tema
6. Ang duwag at bulagsak na ama ni Okonkwo
A Cowrie
B. Ekwe
C. Igbo
D. Unoka
7. Teoryang pinaniniwalaan ang tao ay dapat mabilang bilang tao, naglalaman ng suliranin sa kanya
lamang, may pagsubok at resposibilidad na kailangang tanggapin
A. Eksistensyalismo
C. Naturalismo
Humanismo
D. Romantisismo
8. Ang orihinal na may akda ng nobelang "Paglisan
A. Chinua Achebe
C. Mullah Nassredin
B. Barbara Kimenye
D. Nelson Mandela​


Sagot :

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4

  1. A.
  2. C.
  3. B.
  4. A.
  5. C.
  6. D.
  7. A.
  8. A.

Tandaan:

1. Si Chinua Achebe ay kilala bilang ang Ama ng Panitikang Africa.

2. Ang nobela ay isang mahabang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayaring naghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas at nag - iiwan ng kakintalan sa isip ng mga mambabasa.

3. Ang akdang "Paglisan" ay isang nobelang nanggaling sa bansang Nigeria.

4. Ang cowrie ay yari sa shell na ginagamit bilang palamuti ng mga Afrikano. Ginagamit din sa ritwal at paniniwalang panrelihiyon.

5. Ang tauhan ay elemento ng nobela na nagpapagalaw at nagbibigay - buhay sa takbo ng kuwento.

6. Si Unoka ang duwag at bulagsak na ama ni Okonkwo.

7. Ang eksistensyalismo ay teoryang pinaniniwalaan na ang tao ay dapat mabilang bilang tao, naglalaman ng suliranin sa kanya lamang, may pagsubok at responsibilidad na kailangang tanggapin.

8. Si Chinua Achebe ang orihinal na may akda ng nobelang "Paglisan".

Ano ang nobela: https://brainly.ph/question/2550391

#Let'sStudy