Panuto: Basahin ang mga sumusunod na gawain at tukuyin kung ito ay gawaing: A. Pangkalinisan B. Pangkaligtasan C. Pangkalusugan D. Pangkapayapaan E Pangkalikasan 1. Pagsusumbong sa kinauukulan ng mga sasakyan at pabrikang nagbubuga ng makakapal at maiitim na usok. 2. Pagbibigay pansin sa mga ordinansa o batas tungkol sa pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran. 3. Pakikipagtulungan at pakikiisa sa mga ahensya ng pamahalaan na naglalayong proteksyunan ang mga pinagkukunang-yaman ng bansa. 4. Pagtulong sa kampanyang naglalayongmapangalagaan ang sarili at kapwa laban sa COVID 19. 5. Pakikipagtulungan sa barangay sa tuloy-tuloy na Programang pangkatihimikan at kaayusan para sa lahat. 6. Pakikiisa sa kampanya at paghikayat sa pamilya, kaibigan at kamag-aral sa programang paghiwa-hiwalayin ang mga nabubulok at di nabubulok nab asura. 7. Pagtulong at pakikiisa sa mga ahensya ng pamahalaan upang mapangalagaan ang mga likas na yaman na bansa. 8. Pakikipagtulungan sa mga alagad ng batas na mapalaganap ang katahimikan at kaayusan sa pamayanang kinabibilangan. 9. Pagiging magandang ehemplo sa mga kabataan sa pagpapanatiling malinis ng kapaligiran. 10. Pagsunod sa mga paalala tungkol sa mga regular na paghuhugas ng amay, pagkain ng masustansiya at pag-inom ng bitamina upang lumakas ang esistensya.