8. Ano ano ang ipinarating na tulong mula sa ibang bansa? A. arina, asukal, gatas, itlog at isda B. isda, karne, arina, keso at tinapay C. bigas, asukal, noodles, sardinas at tinapay D. arina, commeal, keso, powdered milk at powdered egg 9. Bakit nakipagsundo si Pangulong Manuel Roxas sa mga Amerikano hinggil sa base militar? A. Dumami ang mga illegal settlers. B. Maituturing na ganap na estado ang Pilipinas. C. Mabilis ang paglaki ng populasyon sa mga pook-urban. D. Matinding kahirapan ang dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa bansa. 10. Ang ating mga bayaning sundalong Pilipino noon ay nakipaglaban upang makamit ang kalayaan nating tinatamasa ngayon. Kung ikaw, bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan mo maipapakita ang katapangan at katapatan sa bansa? A. Pagsali sa mga rally at pag-aalsa B. Mangarap na maging sundalo paglaki C. Makipag-away sa mga kalaro at kaklase D. Pagsunod sa mga batas at pag-aaral nang mabuti 11. Anong mga produkto ng Pilipinas ang nilagyan ng limitasyon sa pagpasok sa Estados Unidos? A. bigas, asukal at tabako C. mais, tubo at pinya B. saging, niyog at abaka D. bigas, niyog at pinya 12. Ang sumusunod ay mga batas ukol sa kalakalan at karapatan sa likas na yaman ng Pilipinas, maliban sa isa. Ano ito? A. Parity Rights C. Underwood-Simmons B. Tydings-McDuffie D. Payne-Aldrich