Sagot :
Answer:
Sa pagdating ng isang nakakahawang virus na kilala bilang Corona Virus o Covid-19 ay maraming nagbago sa ating araw-araw na pamumuhay sa mundong kinakatayuan natin ilan na dito ay hindi paglabas ng tahanan at pag-iwas sa mga nakakasalamuha natin. Nawalan din ng trabaho ang ilang mga tao kaya marami nang naghihirap ngayon pandemya. Nabago din ang ating kasuotan tuwing lalabas ng bahay dahil kailangang magsuot ng face mask at face shield. Marami pang ibang nagbago sa araw-araw nating pamumuhay sa panahon ngayon.