Gawin Natin Minsan sa mga maikling kuwentong iyong nababasa, marahil ay napupuna mo ang istilo ng pagkakasulat sa bawat talata, hindi ba? May mga talatang nagsalaysay sa pangyayari, may nagpahayag ng pagtatanong, mayroon ding nagpahiwatig ng matinding damdamin at may nagpakita ng pakiusap. Ang mga talatang ito ay binubuo ng mga pangungusap. Kaya kilalanin natin ang mga uri ng pangungusap sa ibaba at ilagay ang sagot sa linya. 1. Alas singko ng umaga ay ginising ng mag-asawa ang kanilang mga anak na sina Shella, Jessa at ang bunso na si Gil. Ito ay pangungusap na 2. “Jessa, anak, maaari mo bang ihanda ang agahan natin nang may makakain tayo mamaya?" Ito ay pangunusap na 3. Wow! Ang gara ng damit mo. Ito ay pangunusap na 4. "Shella, anak, heto ang plastic dito mo itatago ang mga mahahalagang dokumento natin para di-mabasa." Ito ay pangunusap na 5. "Gil, anak, pakiabot nga ng lubid at kailangan nating talian ang bubong ng ating bahay at pakitulungan mo ako sa pagtali." Ito ay pangunusap na