Sagot :
Answer:
Mga Epekto ng ImplasyonAng implasyon ay masasabi na may:-Kabutihan-Di-kabutihan
Mabuting Epekto Kapag ang dahilan ng implasyon ay ang pagtaas ng demand, ang mga negosyante ay nahihikayat na pataasin at pagbutihin ang produksiyon bunga ng pagkakaroon ng mataas na presyo ng mga produkto. Dahil ang mataas na presyo ay isang insetibo sa mga negosyante.
Di-mabuting Epekto ng Implasyon
-Mga Nagpapautang
- Mga Nag-iimpok
-Mga Tao na May Tiyak na Kita
Mga Nagpapautang Ang pagtatakda ng interes sa pautang na mas mababa kaysa sa naging antas ng implasyon ang dahilan ng pagkalugi ng mga nagpapautang. Ang interes na kanilang siningil sa umutang ay di sapat upang makasabay ang pagtaas ng presyo.
Mga Nag-iimpok Hinihikayat ng pamahalan na mag-impok ang mga tao, lalo na ang may labis na salapi. Ang pag-iimpok ay isang gawain ng tao na mahalaga sa ekenomiya. Ngunit sa panahon ng pagkakaroon ng mas mataas na antas ng implasyon kaysa sa interes ng salaping idineposito sa bangko ay nalulugi ang nag-iimpok.
Mga Tao na May Tiyak na Kita Ang pagkakaroon ng tiyak na kitaay di-mainam sa panahon ngimplasyon dahil bumababa angpurchasing power ng tao.
Explanation:
I hope it helps:)