Lagyan ng tsek ✓ ) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pakikipagkaibigan sa paglahok sa mga patimpalak o paligsahan at ekis (X) kung hindi. 1. Si Marie ay naging kalahok sa Science Quiz Bee ngunit hindi siya ang tinanghal na kampeon. Binati niya ang nanalo at tinanggap nang maluwag sa kalooban ang pagkatalo. 2. Sumali si Karl sa patimpalak sa pag-awit upang mas mapaunlad ang kanyang kakayahan. 3. Lumahok sa paligsahan sa pagtula si Lito sa ibang barangay. Masaya siya kahit hindi nanalo dahil nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan 4. Malaki ang gantimpala sa paligsahan sa iyong barangay kaya ka sumali. 5. Mayroong paliga ng baseball sa inyong purok, ngunit natalo kayo. Sinabi mo na kaya lang sila nanalo ay dahil sa pandaraya.