👤

Mga Planeta sa Ating Kalawakan

Ang ating kalawakang araw ay binubuo ng walong planeta at ilang asteroid, meteor at kometa.


Sa labas ng kalawakang araw may mga 202 pang planeta na halos kapareho o malaki pa sa Jupiter.


Hindi kasama rito ang ilang mga planeta na nadiskubreng lumilibot sa naupos na bituin na pulsar at ang iba’y sa bituing Mu Arae. Ilan din sa mga planetang ito ay kasinlaki ng Neptuno. May isang planetang lumilibot sa isang pulang dwendeng bituin na kung tawagin ay Gliese 876. Ito’y tinatayang anim hanggang walong beses ang bigat nito sa Mundo.


Hot Jupiters naman ang tawag sa bagong tuklas na planeta na malapit sa kanilang magulang na bituin. Tumatanggap ito ng mas matinding radyasyong estrelyar kaysa mga higanteng planetang gas ng kalawakang araw. Mayroon ding mga hot jupiter na lumilibot ng napakalapit sa kanilang bituin na hinihipan palayo na parang buntot ng kometa na tinatawag na mga planetang Chthonian.

MGA TANONG:
1. Ano ang bumubuo sa ating kalawakang araw? *

2.Ano ang tawag sa pulang dwendeng bituin? *

3.Saan lumilibot ang ilang mga planeta? *

4.Bakit kaya tinatawag na Hot Jupiters ang mga bagong tuklas na planeta? *

5.Ano pa kaya ang mga bagay na makikita natin sa kalawan na di nabanggit sa inyong binasa ? *

6.Bakit mahalagang malaman natin ang mga planeta sa labas ng kalawakang araw ? *

7. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong makapamili, gugustuhin mo bang tuklasin ang mga planetang ito? *

Oo

Hindi


Sagot :

1.planets
2.red dwarfs
3.sa sun or araw
4.dahil ang iba ay kasing laki ng Jupiter pero mas mainit sila
5.Constellation,at Exo planets
6.Dahil ang outer ng solar system ay maraming mysteries
7.oo

Go Training: Other Questions