👤

ano ano ang kultura ng cavite

Sagot :

Answer:

Nakatira ako sa Laguna pero ang aking tahanan ay ang bahay ng Lolo at Lola ko sa Cavite. Madalas akong pumunta doon lalong lalo na kapag mga buwan ng Abril, Oktobre, Nobyembre at Disyembre. Pinapagdiriwang namin doon ang Semana Santa kapag Abril, Pista ng Birheng Maria sa Oktubre, Undas sa Nobyembre at Pasko sa Disyembre. Ang mga taong nakatira sa Cavite ay maka-diyos at relihiyoso. Marami silang mga tradisyon at selebrasyon na pinapagdiriwang sa ngalan ng Diyos.

Kapag Huwebes sa Semana Santa ang pamilya namin ay nagbibisita-iglesia. Ang Bisita-Iglesia ay isang tradisyon kung saan dumadalaw kami sa pitong simbahan. Ang Cavite ay may maraming simbahan kaya nakikita mo na madami ang sumusunod sa tradisyon na ito. Sa Biyernes naman ay mayroong isang prosesyon. Halos buong Cavite ang sumasama doon. Mahabang-mahaba ang nilalakad namin pero halos walang nagrereklamo. Nakikita mo talaga na masipag pati na rin matiyaga ang mga tao doon. Madasalin rin sila dahil lagi silang nagrorosaryo.

Ang mga Caviteno ay medyo magkapareho sa kultura ng Espanya. Ang wika o dialekto ng mga tao doon ay Chabacano. Mayroon itong magkahalong salitang Espanya at Tagalog. Pati na rin ang pagkain namin ay galing sa Espanya; kaldereta, menudo, afritada. Mahilig rin kumain ang mga lolo at lola ko. Parang mga Hobbit. May almusal, maagang merienda, tanghalian, merienda ulit, hapunan at midnight snack rin. Pero masarap ang pagkain kaya sige-sige nalang