GAWAIN 2: Isulat ang REM sa patlang kung ang suliranin at hamon ay sa panunungkulan ni Ramon F. Magsaysay, at CPG naman kung kay Carlos P. Garcia. 1. Naging problema ang rebeldeng Huk at usaping may kaugnayang sa reporma sa lupa. 2. Dahil sa mahinang ekonomiya, hindi nakapagluwas ng maraming kalakal ang ating bansa. 3. Naging maingat ang pamahalaan sa paggasta bunsod ng suliraning pinansiyal ng bansa. 4. Nagkaroon ng katiwalian sa pamahalaan at pagtaas ng halaga ng bilihin. 5. Binigyang tugon ang suliranin sa mga mahihirap at magsasaka.