👤

isa sa magandang tanawin ng gawa ng tao sa nueva ecija​

Sagot :

Answer:

Tunay ngang maraming mga tanawin ang matatagpuan sa Nueva Ecija. Marami na ang nakapunta sa iba’t-ibang parte nito dahil sa tunay na kagandahan ng mga lugar dahil sa gawa ng mga Pilipino at dahil rin sa paglikha ng ating Panginoong Diyos. Isa na rito ang Divine Mercy Shrine na matatagpuan sa Palayan City na pinupuntahan ng maraming mga Pilipino. Kasama sa listahan ang mga Pilipino na isa sa mga taong nagpapahalaga sa kanilang sariling relihiyon. Kaya ang karamihan ay pumupunta rito para makapagdasal, makausap ang Diyos, makapaglibot kasama ang pamilya, humiling, manampalataya, at marami pang iba.

Answer:

Gapan (Nueva Ecija)

Ang Gapan ay isa sa mga lugar na maraming tao ang nagpupunta. Hindi nakakapagtaka kung ito ay napupuno ng mga sasakyan at mga tao dahil maganda ang mga tanawin sa loob nito. Isa ang simbahan nito sa mga malalaking simbahan sa Nueva Ecija. Marami ang nagsisimba rito at nagdadasal sa Diyos.

Isa rin sa dahilan kung bakit ito dinadayo ay ang mga produkto na ipinagbibili rito. Marami ang maaaring mabili rito na iba’t-iba, katulad ng mga pasalubong, pagkain, rosaryo, bibliya, poon, kwintas, damit, at iba pa. Mga mura rin ang bilihin rito at marami ang mga nakatayong establisyemento.

May iba ring tanawin na matatagpuan dito. May malaking halamanan sa loob nito na maaaring pasukin at tignan, mayroon ring mga poon sa loob noon at mga nakapalibot na mga puno, bulaklak at mga halaman. Sariwa rin ang hangin dito at malinis.

Ang Hunter Valley na matatagpuan sa Cabanatuan City ay isa sa magagandang resort sa Nueva Ecija. Marami ang nagpupunta dito lalo na ang mga bata kasama ang kanilang mga pamilya. Kulay asul ang tubig at talagang masarap magbabad lalo na tuwing bakasyon.

Marami rin ang paluran rito at mga mabibilhan ng pagkain, gamit, pasalubong at marami pa. Iba’t-iba ang mga estilo ng swimming pool at mga slides. Makulay ang mga ito at maganda sa mata.

Sa ibang parte ng Hunter Valley ay may mini zoo kung saan maraming mga hayop ang nandoon. Mayroong mga bangis at mga maamo, ngunit ang mga ito ay nakakulong kaya maaaring pa ring mapuntahan.

Maraming tao ang pumupunta dito at madalas rin ay may mga ginaganap ditong kasalan, binyag, kaarawan, camping, at iba pa.

Explanation:

pa brainli est plss