👤

C. Paglalapat/Pagtataya
Kaya Ko 'To
Gamitin nang makatotohanan ang iyong natotohan sa araling ito. Sumulat ng
sang replektibong sanaysay batay sa napili mong paksa sa ibaba. Isaalang-alang ang
Samantayan sa pagsulat.
repleksyon tungkol sa ama​


Sagot :

Answer:

Sanaysay  tungkol sa ama

Paano ba maging Ama?

Ang ama ang haligi nang ating pamilya. Siya yung taong matatag na nagbibigay suporta sa ating mga pangangailangan. Siya ang responsable at kaakibat ng ating ina para mabuo ang isang pamilya.  

Bata pa ako ay pangarap ko na ang maging katulad sa aking ama. Siya ang repleksyon ng isang huwarang ama. Sa kanya ko natutunan ang mga mabuting aral sa pagiging mabuting tao. Hindi siya perpekto ngunit para sa akin siya ang pinakamabait na ama. Hindi maipagkakaila ang halaga at laki ng papel niya sa pamilya upang matugunan ang ating kailangan sa pamilya. edukasyon, pagkain at iba. Siya ay sumasalamin sa isang taong superhero  , siya ang umaagapay sa atin . Siya ay naging ama ,ina at lolo na handang ibigay ang kanyang makakaya para sa pamilya. Hanggang kaya niya niya ay itinataguyod niya ang kanyang binuo na pamilya para mabigyan ng kaginhawaan. Walang lugar sa kanya ang pagod dahil ang ama ay haligi ,matatag kahit sa ano mang unos sa buhay.

kaya siya ang haligi nang pamilya , sandigan ,matatag at maasahan.